Sobra ba kung magwiwish tayo na mapasaatin yung mga bagay na gusto natin? Matatawag na ba tayong sakim kung sakaling hindi natin magawang isakripisyo yung mga bagay na mahalaga at pinakaiingatan natin?
Maraming beses na akong lihim na nagmahal sa isang kaibigan na alam kong ni sa hinagap ay imposibleng magbalik ng pagtingin sa akin. Pero mali ba ang umasa? Mali bang isipin na kahit kaunti ay may pag-asang mahalin din niya ako?
Ang hirap pala ng magmahal na hindi mo magawang ipagsigawan sa mundo yung nararamdaman mo. Sa tatlong beses na sinubukan kong magmahal, sakit lang ang idinulot sa akin. Una, sa isang lalaking ni sulyap ay hindi magawa. Isnabero at walang maipakita sa akin kundi isang tipid na ngiting hindi naman umabot sa mata. Pangalawa ay isang malapit na kaibigan. Matanda siya sa akin ng apat na taon. Naging mahaba ang pagkakataong magkasama kaming nagtatawanan at nagkakasiyahan kung kaya't nahulog ang aking loob sa kanya. Ngunit matalik na kaibigan ko ang mahal niya. Nagawa kong sabihin sa kanya..Buti na lang at nagawa ko, kundi anggang ngayon puno pa rin ng hinanakit ang aking puso. At ang huli, ay nitong taon lamang. Isang kamag-aral na akala ko ay kaya akong mahalin. Isnabero din siya tulad nung una ngunit hindi niya iyon nagawang iparamdam sa akin. Mabait siya sa akin, maunawain at maalalahanin. Ngunit nagyon ko lang nalaman na kaibigan ko din ang gusto niya..Haaaayyy..buhay nga naman.
Tanggap ko na sa tatlong lalaking dumaan sa buhay ko, wala sa kanila ang itinadhana ng Diyos para sa akin. Ngunit hindi parin sa akin maialis ang malungkot. Umasa ako at nasaktan. Siguro naman may lalaking talagang nakalaan para sa akin..Sana malampasan ko itong panibagong sakit ng puso ko ngayon..
hindi naman masamang umasa .. pero . .wag sa mahabang panahon . . . at yung sakit nang puso mo madaling hihilom yan . .unless nalang may sakit ka tagala sa puso .. hkehekhek .. . . anyway . . .madaming lalalkeng magpapatibok nang puso mo .. pero .. kais .. yung mga taong gusto nating mahalin eh yun pa yung may ayaw saatin diba .. .
ReplyDeletefor sure naman maraming nagkakagusto sayo diba . .so . . .yung mga nagkakagusto syo eh parang ikaw .. naghihintay at umaasa . . .kay try mong mahalin ang isa sa kanila . .malay mo .. siya ang binigay talaga syo .. try and try
salamat sa cheer up words mo..hehehehe..sana nga may tlagang nakalaan para saakin.. :D
ReplyDelete