ako na yata ang may pinakamadaming consumption ng oxygen at production ng carbon dioxide sa Pilipinas sa araw na ito dahil sa madalas kong paghinga ng malalim. sabi nila, masama daw yung humihinga ng malalim, malas daw. eh kaso hindi ako makahinga ng maayos ngayong araw na ito. ewan ko ba, parang ang bigat ng feeling ko this day.
actually, alam ko naman yung dahilan ng pagiging depressed ko. at actually ulit, dapat nga masaya ako eh..pero hindi ko alam kung bakit I am affected sa nangyayari sa kanilang dalawa. I mean, I know they are not in good terms as of the moment and I should be celebrating, but I also feel the akwardness and confusion lurking in our atmosphere everytime we are together. I was hoping that when these kind of situation happen, I could actually go back to what was before. Yung, dating kami. Yung kami pa lang, wala pa siya. Yung bang ako pa lang yung 'kilala' niya. Pero hindi. OO nga at bumalik na yung dating _____ na kinakausap ako, umuupo sa tabi ko, naglalakad kasabay ko pero parang ibang ____ yung nakikita ko ngayon. Ewan..nahihirapan na akong intindihin kung sino siya ngayon, kumpara sa dati na I understand him fully. Tama nga siguro si ate fe na ako yung talagang masasabing nakakakilala sa kanya, pero ngayon, hindi na.
No comments:
Post a Comment